Photo 1 Sep 24 notes 
SUKLI NG KABUTIHAN.
Kanina, nadukutan ata ako sa may overpass sa Katipunan. Nakita ko na lang na bukas ang isang bulsa ng bag ko at wala na ang wallet ko. Wala pang isang segundo ng pagkagulat tapos ilang minutong paghahanap: kaunting haplos ng kalungkutan.
May katagalan na rin kasi ang wallet. Andon ang I.D ko, ang The Dark Knight na Powercard, isang regalo ng kaibigan, 233.75 Pesos, at isang munting koleksyon ng mga tiket sa sinehan. Wala namang kaso sa’kin na nawala ‘yung pera. Ang pinaka-kinalungkot ko ay ‘yung I.D at mismong wallet. Sayang nga naman.
Nagtanong ako sa isa sa mga driver ng mga Katipunan Jeepney sa UP kung may nakita ba silang wallet. Baka kasi nalaglag ko lang. Pero sa loob-loob ko, alam kong wala na. Sabi niya wala raw. Lumapit na ‘yung iba pang mga driver na kumuha sandali ng kape. Tinanong nila ko kung natatandaan ko ba raw ‘yung jeep na nasakyan ko baka raw kasi nandoon. Sabi ko hindi na. Di naman siguro ko masisisi, ano? Magkakamukha naman talaga halo lahat ng mga keep na biyaheng UP - Katipunan. Sabi nung isang driver tingin niya dinukot daw talaga. Malabo naman daw na nalaglag ko lang. Agad akong tinanong nung isa pang driver kung paano raw ako uuwi. Saan ba raw ako umuuwi at kung may pera pa raw ba ako. Di na nga siya naghintay ng sagot inabutan agad ako ng 50 Pesos.
"Salamat po. Pero kasya na po ang bente", tsaka ko inabot ‘yung sobra.
"Hindi, okay lang. I-singkwenta mo na para sigurado", sagot niya habang umiiling bilang pagtanggi sa inaabot kong barya.
Nadukutan man ako, masaya akong umuwi. Nakakatuwa na bagaman maraming mga tao ang natutulak na gumawa ng masama, marami, at sana’y mas marami pa rin ang mga mabubuti tulad ng mga driver sa Katipunan.
Sa kung sino man ang dumukot, nakapulot o kung anuman sa aking wallet, sana’y sa mabuti mo gamitin ang kung anumang makukuha mo diyan. Pero siyempre the best pa rin kung maibabalik mo.
Sa mga driver sa Katipunan, maraming salamat. Sana’y dumami pa ang tulad niyo. Lalo niyong pinag-iigitng ang aking pagmamalaki sa lahing Pilipino at ang aking pananalig sa mga tao.
Tunay ngang ang kabutihan ay di mapepresyuhan. Di mo ito mababayaran, di mo masusukat. At siguro nga, kahit pa sobra-sobra ang ibayad at ibigay, hinding-hindi masusuklian. 

  1. uhhmarcomadamba reblogged this from raph-it-up and added:
    nawala
  2. smallscalerenderer reblogged this from raph-it-up
  3. raph-it-up posted this

Design crafted by Prashanth Kamalakanthan. Powered by Tumblr.